CALL FOR CONTRIBUTORS for Literary Folio — TNC of the North

Nais mo bang ibahagi ang iyong angking galling sa malikhaing pagsulat? Interesado ka bang ihayag ang iyong istorya ng pakikibaka sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan?

Tatanggap ang TNC of the North ng mga akda mula sa mga Yusisista upang itampok sa Literary Folio na ilalathala ng opisyal na pahayagang pangmagaaral ng University of Caloocan City na may temang, “Pakikibaka ng iskolar ng Kalookan sa gitna ng pandemya tungo sa tagumpay at kasarinlan”.

Narito ang mga akdang pampanitikan na maaring piliin:

  • Tula
  • Maikling Kuwento
  • Dagli
  • Sanaysay
  • Haiku/Tanka/Tanaga
  • Photo Essay

Para naman sa mga nais magbahagi ng kanilang angking talento sa pagguhit, maari ring magpasa ng inyong illustration artwork [Digital o Traditional] na angkop sa tema.

Ito ay bukas para sa lahat ng mga iskolar ng UCC. Kaya i-share n’yo na ‘yan sa amin!

Tandaan lamang ang mga sumusunod na paalala:

• Maaring magpasa ng hanggang tatlong piyesa, subalit isa lamang ang pipiliin ng komite ng teknikal at editorial
• Ang lahat ng piyesa ay sasalang sa editorial review upang suriin kung pasok sa tema ang piyesang isinulat, wasto ang balarila (grammar), semantika, at tama ang paggamit ng mga salita
• Walang limitasyon sa sukat, persona, taludtod, talinhaga, mga gagamiting salita, at iba pang elemento o sangkap sa paggawa ng piyesa. Subalit, kailangang sundin ang tamang sukat ng taludtod at pantig kung Haiku/Tanka/Tanaga ang piyesa.
• Parehong wikang Filipino at English ang maaring gamiting midyum sa pagsusulat
• Bukas ito sa mga estudyante ng lahat ng UCC Campuses, North at South

I-send lamang sa aming email tncnofficial@gmail.com na may subject na ‘TNCN Contributor’. Ilagay ang buong pangalan, UCC Campus, year, at section sa body ng email.

Halimbawa:

[Subject] TNCN Contributor

[Body] Juan Dela Cruz, EDSA Campus, 3rd year, BA Political Science

Ilagay ang inyong entry sa Document o PDF file format. Kung illustration artwork at larawan naman para sa photo essay, ilagay sa Google Drive o i-attach sa email na inyong ipapasa.

Submission of entries is until August 8, 2021 — TNC of the North

Leave a comment